TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng monitoring sa presyo ng mga bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lungsod ng Tuguegarao kasabay ng National schools Press Conference (NSPC) na magsisimula sa araw ng Lunes.

Ayon kay Lourdito Antonio, senior trade and industry development specialist ng DTI, kanilang sisiguraduhin na hindi lalampas sa suggested retail price (SRP) ang mga bilihin sa lungsod.

Kasama ng DTI ang Local Government Unit ng Tuguegarao sa gagawing monitoring sa SRP ng mga bilihin.

Kaugnay nito, pagpapaliwanagin ang mga negosyanteng mapapatunayan na lalampas sa SRP ng kanilang mga paninda at mahaharap sa kaukulang multa.

Layon ng naturang hakbang na matiyak na hindi magiging biktima ng mataas na presyo ng mga bilihin ang publiko lalo na ang mga delegado ng nasabing national event.

-- ADVERTISEMENT --