Binatikos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang local brand ng vaping dahil sa maling pag-aangkin ng kumpletong pagsunod sa mga regulasyon.

Ayon sa pahayag ng DTI, nilinaw nito na ang brand ng vape ay walang valid na Philippine Standard License, kaya’t hindi ito kwalipikadong ibenta sa merkado ng Pilipinas.

Kasunod nito ay hinimok ng DTI ang mga nagbebenta ng mga hindi otorisadong vape na kumuha at panatilihin ang isang valid na Philippine Standard License upang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga produkto bago ito ipamahagi at gamitin.

Ipinahayag namab ng DTI na itinaas na ang preventive measure order laban sa nagbebenta ng hindi otorisadong vape noong Nobyembre 26. Subalit, nilinaw ng ahensya na ang vaping brand ay nananatiling ipinagbabawal na magbenta ng kanilang mga produkto hangga’t hindi nila nakukuha ang Philippine Standard License.