Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga magsasaka at industry players na mamuhunan sa kawayan o bamboo dahil tumataas ang demand nito sa mga susunod na taon.
Sinabi ni Anna Katrina Garcia, bamboo program coordinator na ang pagtatanim ng kawayan ay maaaring magbigay ng mga pagkakataon sa kabuhayan mula sa bamboo planting materials, pole production, engineered manufacturing, biomass development for energy, furniture, at handicrafts para sa ecotourism.
Binigyang-diin din niya na maaaring tumaas ang pangangailangan sa labong bunsod ng pagtaas ng demand para sa pagkain.
Inihayag ni Garcia na ang worldwide bamboo market ay inaasahang lalago sa compounded annual rate ng 4.5 percent mula 2022 to 2030 sa industrial application at furniture na posibleng magdominate sa global market Gayunpaman, sinabi niya na sa kabila ng positive global trade prospect, nahaharap naman sa hamon ang bamboo industry sa pilipinas dahil sa limitadong supply ng bamboo raw materials at hindi kumpleto o sporadic na data ng kawayan na mahalagang mga driver upang mapanatili ang paglago at pag-unlad ng local na industriya ng kawayan.
Upang matugunan ang problema, ipinakilala ng DTI ang konsepto ng proyekto ng Bamboo Resources Inventory and Technology Enabled Mapping o bitemap para sa isang maaasahang database ng kawayan.
Sinabi ni Mona Lisa Valle ng DTI Region 2 na ang BrITEMAP ay naglalayon na bumuo ng isang sentralisadong system platform upang payagan ang mga surveyor na awtomatikong maitala ang data sa pamamagitan ng isang lightweight, offline-capable application, engage communities at matiyak ang sustainability at timeliness ng impormasyon ng imbentaryo sa mga napiling pangunahing produksyon ng kawayan sa buong bansa.
Dagdag pa ni Valle na ang BRITEMAP ay isang collaborative project ng University of the Philippines Los Banos – College of Forestry and Natural Resources, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Science and Technology – Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural resources research and development.