Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan laban sa tinaguriang mga negosyanteng may “hard selling technique” o nananamantala ng mga mamimili.
Kasunod ito ng mga natatanggap na reklamo ng ahensiya kaugnay sa modus ng ilang mga negosyante sa pag-engganyo sa mga mamimili upang bilhin ang kanilang produkto.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maria Salvacion Castillejos, provincial director ng DTI Cagayan na sa pamamagitan lamang ng demo o salita ng isang negosyante ay nahihikayat ang isang mamimili na bumili ng produkto kahit hindi naman nito kailangan.
Subalit ang malala rito ay depektibo pala o mababa ang kalidad ng nabiling produkto.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng DTI ang mamimili na suriing mabuti ang mga binibili at huwag padadala sa matatamis na salita ng lang mapagsamantalang negosyante.
Habang asahan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga mapagsamantalang negosyante.