Nagbukas ng Consumer Welfare Assisstance Center (CWAC) ang Department of Trade and Industry (DTI) Region2-Cagayan sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.
Ayon kay Tessie Isidra Guitering, Senior trade and industry development specialist ng DTI Cagayan, isa ang lgu Gonzaga sa tumugon sa adbokasiya ng mga ito na iestablished ang programa sa lahat ng public market sa probinsiya.
Aniya, itinatag ang CWAC upang magbigay ng proteksyon at suporta sa mga mamimili sa buong bansa.
Ang CWAC ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga mamimili at ng mga negosyo upang masigurong makatarungan at patas ang bawat transaksyon.
Bukod dito ay kasama rin sa mga serbisyong inaalok ng CWAC ang pagtanggap ng reklamo, pagbibigay ng payo ukol sa mga karapatan ng mga konsyumer, at pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamong inihain.
Sa pamamagitan ng CWAC, inaasahan ng DTI Cagayan na mas mapapalakas ang tiwala ng mga mamimili at masisiguro ang kanilang kapakanan sa bawat pagbili ng produkto o serbisyo.