Patuloy parin ang pakikipagnegosasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan sa iba’t ibang potential institutional buyers at processing companies upang matulungan ang mga pineapple growers na maibenta ang kanilang produktong pinya.
Ayon kay Maricris Galinggana, senior trade and industry development specialist, ang naturang pagtutulungan ay bilang bahagi na rin ng “Walang Sayang” project ng DTI Region 2 na manghihikayat sa mga institutional buyers na bumili ng mga produktong pinya na galing mismo dito sa probinsiya ng Cagayan.
Ang walang sayang project ng DTI Region 2 ay isang programa kung saan tinutulungan ang mga farmer cooperatives at associations na maibenta ang kanilang mga produkto maging prutas man o gulay.
Aniya, sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng oportunidad na mai-link ang mga magsasaka sa iba’t ibang nstitutional buyers, processing companies,traders at iba’t ibang market outlets na pwedeng pagbentahan ng kanilang fresh produce upang maiwasan ang pagkabulok ng mga produkto na nagiging resulta ng pagkalugi ng mga magsasaka.
Ilan sa mga bayan na nagtatanim ng pinya dito sa probinsiya ng Cagayan ay Gonzaga, Sta.Ana, Allacapan, Ballesteros at Sanchez Mira.