Photo credit: DTI-region 02

TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng 40 na digital weighing scale ang Department of Trade and Industry (DTI)-Region 02 sa mga market vendors dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Romleah Ocampo, Regional Director ng DTI-Region 02, ito ay bahagi ng kanilang programa na “livelihood seeding program” na naglalayong tulungan ang mga negosyante na labis na naapektuhan ng pandemya at African Swine Fever (ASF).

Aniya, nang sila’y mag-ikot sa mga palengke sa lungsod nitong mga nakaraang buwan ay marami pa rin ang nahuli na gumagamit ng traditional na timbangan na unang nakumpiska ng kagawaran kung kaya’t naisipan nilang magbigay ng digital weighing scale para matulungan din ang mga negosyante.

Sinabi ni Ocampo na layon din ng nasabing aktibidad na maipaabot ang mensahe na hindi lamang nanghuhuli ng mga timbangan at mga produkto ang DTI, sa halip ay tumutulong din ang kagawaran para sa ikakabuti ng mga negosyante at mga mamimili.

Nabatid na bago ibinigay ang mga timbangan ay sumailalim muna sa pagsasanay ang mga vendors lalo na sa usapin ng consumers rights para madagdagan ang kanilang kaalaman may kaugnayan sa kanilang mga karapatan bilang mga negosyante.

-- ADVERTISEMENT --