Nagsagawa ang Department of Trade and Industry o DTI Region 2 ng exploratory meeting kasama ang ilang institutional buyers sa rehiyon.

Layunin nito na matulungan ang mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyate sa Nueva Vizcaya na makilala at magkaroon ng mas malawak na access sa iba’t ibang merkado.

Ang naturang pulong ay nakatuon sa pagtatag ng direktang ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, lokal na micro, small and medium enterporises, at mga supermarket, na naglalayong magsuplay ng mga sariwang prutas, gulay, at mga produktong may sertipikasyon ng Food and Drug Administration.

Parehong nagpahayag naman ng kahandaan ang mga institutional buyers sa panukala ng ahensya, basta matiyak na matutugunan ng mga produkto ang kinakailangang pamantayan ng kalidad at mga dokumentasyon.

Nabatid na nagkaroon ng mga paunang kasunduan, kabilang ang pagsusumite ng mga proposal, mga liham ng intensyon, at mga product information sheets bago ang isinagawang pagpupulong.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala naman si provincial Director Atty. Michael Paggabao na ang mga pagsisikap na ito upang mapabuti ang access sa merkado ay makakatulong sa mga magsasaka at MSMEs ng Nueva Vizcaya na makilala na upang may mas maraming benta at trabaho para sa komunidad.