Tuguegarao City- Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na ireport ang mga estbablishimentong nagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay upang maiwasan ang pananamantala ng ilang mga negosyante sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa bunsod ng pandemya.
Sa panayam kay Ma. Salvacion Castillejos, direktor ng DTI Region 2, patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga establishimento sa rehiyon.
Aniya, mula naman ng tanggalin ang implimentasyon ng price freeze ay wala ng nahuhuling mga nananamantala sa mga consumers.
Sakaling makatanggap ng sumbong ang naturang tanggapan ay tiniyak nito na agad nilang inaaksyunan ito upang masuri at mapanagot ang mga nananamantala.
Kaugnay pa rin ito sa mandato na ipatupad ang tamang Suggested retail price (SRP) sa lahat ng mga basic and prime commodities.
VC CASTILLEJOS JUNE1
Maalalang sa nakalipas na mga buwan ay nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad upang mahuli at mapanagot ang mga mapagsamantalang negosyante.