Tuguegarao City- Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 sa mga negosyante na pagbawalan ang kanilang mga driver na magsama ng mga strandees pabalik ng lambak ng Cagayan.

Sinabi ni Atty. Cyrus Restauro, Legal Officer, sa impormasyon ng Regional Inter Agency Task Force ay may mga indibidwal na nakakapasok sa rehiyon sa pamamagitan ng pagsakay sa mga cargo, delivery at service vehicles na hindi na dumadaan sa tamang health protocol.

Kaugnay nito ay ang pagbuo ng isang resolusyon na naglalayong pigilan ang nasabing hakbang ng mga pumupuslit na strandees.

Nakapaloob sa inilabas na resolusyon ang pagkakaroon ng passenger manifest ng mga driver kung saan nakasaad ang mga pangalan ng tauhan na maaaring mag operate ng sasakyan.

Kaugnay pa nito ay ang pagsasaad sa mga lugar o ruta na pagmumulan at pupuntahang bukod sa mga uri ng produktong ibibyahe.

-- ADVERTISEMENT --

Panawagan naman ng RIATF sa pulisya na higpitan ang pagsasagawa ng mga inspeksyon upang masigurong walang nakakalusot na mga strandees sa mga inilatag na checkpoint.