TUGUEGARAO CITY-Ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) Region II ang pagiging matagumpay ng “kapatid mentor me” program ng ahensiya

Ayon kay Michael Paggabao ng DTI region II, madami na umanong nagtagumpay na mga negosyante dahil sa nasabing programa kung saan isa umano sa mga ito na mula sa Quirino ay nagbibigay na nang testimony sa buong bansa kaugnay sa tagumpay na tinatamasa.

Kaugnay nito ,sinabi ni Paggabao na minomonitor na ng kanilang ahensiya ang iba pang nagsipagtapos sa programa ,na base sa unang resulta ay positibo umano ito.

Dahil dito,patuloy ang ahensiya sa magandang nasimulan sa pamamagitan nang pagkuha ng magagaling na trainors na siyang magtuturo sa mga nagnanais magkaroon ng magandang negosyo.

Tinig ni
Michael Paggabao ng DTI region II

Sa ngayon, sinabi ni Paggabao na nagpapatuloy ang kanilang programa para sa ikalima at anim na batch , kung saan inaasahang magtutuloy-tuloy ito hanggat may mga nagnanais magkaroon ng negosyo at nais sumailalim sa pagsasanay ng ahensiya.

-- ADVERTISEMENT --