TUGUEGARAO CITY- Magpapagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ng mga Personal Protective Equipment suit para sa mga frontliners.
Sinabi ni Romleah Juliet Ocampo ng DTI Region 2 ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng “shared service facilty” program.
Ayon sa kanya, na sasailalim muna sa training ang mga benepisyaryo na mga micro,small and medium enteprises bago sila bibigyan ng starter kit para sa paggawa ng PPE suits.
Sinabi niya na posibleng sa susunod na linggo ay sisimulan na ang paggawa ng PPE suits na ang makikinabang ay ang mga frontliners sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Idinagdag pa ni Ocampo na namigay na rin sila ng mga face shields at face masks sa mga frontliners at patuloy ang kanilang paggagawa ng mga nasabing kagamitan sa kanilang frabrication facility sa Isabela.
Samantala, sinabi ni Ocampo na tumutulong sila sa Department of Health sa monitoring sa mga essential products partikular sa presyo ng mga ito.
Bukod dito, binabantayan din nila ang mga basic commodities upang matiyak na sapat ang supply at walang overpricing.