Inanunsyo ng Presidential Communications Office na nagbitiw sa pwesto si Secretary Alfredo Pascual bilang Kalihim ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon sa PCO, epektibo ang resignation ni Pascual sa August 2, 2024.

Kaugnay nito, nagpulong si Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Pascual sa Palasyo ng MalacaƱang para tanggapin ang resignation ng Kalihim at kilalanin ang mahalagang naiambag nito sa transformation at restoration ng ekonomiya ng bansa.

Ikinalulungkot umano ng Pangulo ang pag-resign ni Pascual pero nirerespeto nito ang naging desisyon ng opisyal na bumalik sa pribadong sektor.

Agad naman daw maghahanap ng kapalit ang Palasyo.

-- ADVERTISEMENT --