TUGUEGARAO CITY- Wala umanong nakitang substandard ang Department of Trade and Industry Region 2 sa mga ibinebentang steel bars sa mga construction outlets na isinailalim sa inspeksion sa Tuguegarao City kaninang umaga.

Sinabi ni Linda Tan ng DTI na nakasunod naman ang mga nasabing negosyo sa itinakdang product standard para sa mga nasabing mga construction materials.

Ayon sa kanya, makikita sa mga ibinebentang bakal ang required marking, logo at tamang size.

Subalit, sinabi ni Tan na ang kanila lamang napansin ay ang pagbibigay ng 8mm na deformed bar kapag ang tinatanong ng mga consumer ay 9mm.

Sinabi ni Tan na walang 9mm na deformed bar kaya dapat na iwasan ito ng mga negosyante upang hindi malito ang mga consumers.

-- ADVERTISEMENT --