photo credit: DTI r02

TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Department of Trade And Industry (DTI)-Region 02 na 28 percent lamang mula sa 184 na business establishment ang nakakasunod sa Suggested Retail Price (SRP) ng non-medical grade face shield.

Ayon sa ahensiya, dapat nagkakahalaga ng P26 hanggang P50 ang isang face shield batay na rin sa nakapaloob sa memorandum circular ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, mas pinalakas ng ahensiya ang pagbibigay ng impormasyon sa iba’t-ibang probinsiya sa rehiyon katuwang ang iba’t-ibang local prized coordinating council.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na ang DTI sa sa mga face shield suppliers upang makasunod sa itinakdang SRP nito.

Kaugnay nito, nagbigay ng babala ang ahensiya sa mga negosyante na dapat sumunod sa naitakdang SRP ng face shield para maiwasan ang reklamo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala,hinikayat ng ahensya ang publiko na gumawa na lamang ng sariling face shield na gawa sa plastic, soft drinks bottle gamit ang Polyvinyl chloride (PVC)plastic.