Naglabas ng kautusan si Trade Secretary Alfredo Pascual na nagsususpindi sa sala, advertising at distribution ng vape products online.

Sinabi ni Pascual na ito ay pansamantalang suspension hanggang makumbinsi sila ng e-marketplaces ng kanilang compliance sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Republic Act No. 11900 o ang vape law, at iba pang batas.

Ipinaliwanag ng pinuno ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang kautusan ay bunsod ng pangangailangan na mapigilan ang bentahan ng vape products sa mga menor de edad at para matiyak na ang mga ibinebentan online ay nakakatugon sa safety standards na itinatakda ng batas.

Sinabi ng DTI na noong June 14, may namonitor sila na halos 90, 000 companies kabilang ang mga nasa online na may vape business.