
Kumpirmado ng malapit na kaanak na binawian ng buhay si Dueñas, Iloilo Vice Mayor Aimee Paz Lamasan habang ginagamot sa ospital nitong Disyembre 31, 2025.
Si Lamasan ay isinailalim sa ikalawang operasyon matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng tiyan dahil sa umano’y accidental firing sa loob ng kanyang tahanan sa Puerto Real de Iloilo Subdivision, La Paz, Iloilo City kahapon, Disyembre 30, bandang alas-7 ng umaga.
Ayon sa ulat, agad na dinala sa ospital ang bise alkalde at sumailalim sa operasyon upang mailigtas ang kanyang buhay.
Gayunpaman, hindi na siya nakaligtas sa komplikasyon mula sa sugat na tinamo.
Ang kanyang biglaang pagpanaw ay nagdulot ng matinding lungkot sa mga kababayan at kapwa opisyal sa lalawigan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang eksaktong pangyayari sa loob ng kanyang tahanan.






