
Mananatili sa minorya sina Senators Bong Go at Robinhood Padilla.
Ito ang tiniyak at nilinaw ni Go sa kabila ng ulat na posibleng tumalon sila sa majority bloc ni Senate President Tito Sotto III.
Sa social media post ni Go, makikita na may sinusulat sila ni Padilla sa isang bond paper at nakasaad dito na “Duterte Bloc kami, kayo na lang ang sumama”.
Aniya pa, solid Duterte sila kahit tatatlo na lang silang naiwan kasama si Senator Bato dela Rosa na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa Senado.
Nakasaad din sa post ni Go na hindi niya ipagpapalit ang kanyang prinsipyo para makasama ang iilang mga kasalungat niya sa paniniwala.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi pa nito na magtrabaho at magserbisyo na lang ang unahin kesa sa pulitika.









