
Dinala si dating pangulong Rodrigo Duterte sa clinic ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague upang ma-monitor ang kanyang kundisyon.
Sa isang virtual press conference, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, isa sa legal team, dinala na rin ang mga totoong gamot ni Duterte matapos na ibigay ang sulat at prescription para makita ng ICC dahil hindi sapat ang ibinibigay na substitute medicine sa kanya.
Bukod sa mga gamot, sinabi ni Roque na nagdala din siya ng tsinelas at medyas sa dating pangulo.
Sinabi pa ni Roque, pinagbigyan ng detention facility ang kahilingan ni Duterte na bigyan siya ng kanin bukod sa Dutch food.
Sa initial hearing sa kaso, humarap si Duterte ICC sa pamamagitan ng video link matapos na sabihin ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na mahina ang dating pangulo bunsod ng kanyang medical condition.
Subalit sinabi ni presiding judge Iulia Motoc, na batay sa pagsusuri ng doktor ng korte “”fully mentally aware and fit” si Duterte.