Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Congressman Arlene Brosas na imbitahan ang International Criminal Court (ICC) bukas na at simulan na imbestigahan siya kaugnay sa war on drugs at extra judicial killings noon panahon ng kanyang panunungkulan.
Binigyang-diin ni Duterte na bilisan na ng ICC ang imbestigasyon sa kanya habang buhay pa siya dahil sa matagal na umano ito na issue at nais niyang matapos na.
Iginiit pa ni Duterte na kung mapatunayan siyang guilty ng ICC ay handa siyang mabulok sa kulungan.
Sagot ito ni Duterte sa tanong ni Brosas kung handa siyang magpaimbestiga sa ICC.
Una rito, nagkainitan sina Duterte at Brosas matapos na hindi sinagot ng dating pangulo ng yes or no ang kanyang tanong tungkol sa war on drugs sa Davao na ginamit din sa kampanya noong siya na ang presidente.
Dahil dito, nagkaroon ng point of order.
Sa pagpapatuloy ng pagtatanong ni Brosas, inamin ni Duterte na mayroon siyang pinatay na anim o pito na kriminal noong siya pa ang mayor ng Davao City.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na aakuin niya lahat ang responsibilidad sa mga ginawa ng mga pulis sa Davao sa kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon kay Duterte, mahigpit ang kampanya niya laban sa droga dahil ito ay isang seryosong problema na nakakaapekto sa ating mga komunidad.
Kaugnay nito, ilang ulit na pinagsabihan si Duterte na sumunod sa rules matapos na sumasagot sa mga tanong na hindi siya nirere-cognize.