Naniniwala ang lead counsel ni former president Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman na ang malaking panalo ni Duterte sa 2025 midterm elections ay nagpapakita ng pagtutol ng publiko sa arrest order ng International Criminal Court (ICC).
Giit niya, malinaw ang kagustuhan ng mga tao na muling tanggapin si Duterte sa pamahalaan at protektahan ang kanyang legasiya.
Noong Mayo 13, pormal na idineklara si Duterte bilang bagong alkalde ng Davao City matapos manalo nang landslide.
Nakakuha siya ng 662,630 boto, malayo sa katunggaling si Atty. Karlo Nograles na may 80,852 boto.
Ayon kay Kaufman, isa itong anyo ng pampublikong suporta laban sa mga kasalukuyang isyung kinahaharap ni Duterte sa ilalim ng administrasyong Marcos.
-- ADVERTISEMENT --