
Kinumpirma ni Atty. Nicholas Kaufman na makikipagpulong si dating pangulong Rodrigo Duterte sa bagong abogado nito na hahawak sa defense team sa International Criminal Court (ICC), matapos siyang magbitiw bilang lead counsel ng depensa.
Ayon kay Kaufman, sina Honeylet Avanceña at Veronica Duterte na ngayon ang may responsibilidad sa pagpili at pagpondo sa bagong legal team ng dating pangulo.
Umaasa rin si Kaufman na maaaprubahan agad ng ICC Trial Chamber ang kanyang withdrawal kapag pormal nang inaprubahan ni Duterte ang bagong abogado.
Samantala, sinabi ng ICC na nire-review pa ng korte ang withdrawal request ni Kaufman.








