Ilulunsad ngayong buwan ng Hunyo sa Ballesteros District Jail ang online dalaw o “E-Dalaw” system para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at sa kanilang pamilya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Jail Senior Inspector Mark Anthony Saquing, jail warden na layunin ng online dalaw na bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makausap ang kanilang pamilya na malalayo at hindi nakakadalaw.

Sa pamamagitan ng computer internet video call ay makakausap at makikita ng mga preso ang kanilang mga kaanak at pamilya sa ating bansa o sa ibang bansa.

Sinabi ni Saquing na libre ang paggamit ng “E-dalaw” system ng BJMP at pagbibigyan ang bawat PDL ng limang minutong video call.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 200 PDL ang nasa pangangalaga ng BJMP- Ballesteros na mula sa siyam na munisipalidad sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --