Nagwakas ang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa Philippine Women’s Open matapos itong talunin ni Camila Osorio ng Colombia, 6-4, 6-4, sa quarterfinals noong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ito ang unang professional tournament appearance ni Eala sa sariling bayan.

Maganda ang simula ng Filipina tennis ace matapos makakuha ng maagang kalamangan sa parehong set, ngunit bumawi ang dating world No. 33 na si Osorio upang tuluyang makuha ang panalo.

Sa kabila ng pagkatalo, hinikayat ni Eala ang mga Pilipino na patuloy na suportahan ang torneo at mahalin ang tennis.

Bago ang quarterfinals exit, nagtala si Eala ng panalo laban kina Alina Charaeva at Himeno Sakatsume. Susunod namang sasabak si Eala sa Abu Dhabi Open sa Middle East matapos makatanggap ng wild card entry.

-- ADVERTISEMENT --