
Magpapatuloy ang epekto ng easterlies sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong hapon ng Linggo.
Batay sa ulat ng ahensya kaninang 5 PM, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga lugar ng Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Ang mga katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.
Dagdag pa ng PAGASA na magdadala rin ang easterlies ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulupulong pag-ulan o thunderstorm sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa kabilang ang Cagayan Valley.
Ang mga malalakas na thunderstorm na ito ay maaari ring magdulot ng pagbaha o landslide.