Inihayag ng pamahalaan ng Democratic Republic of the Congo na umabot na sa 488 ang kumpirmadong kaso ng Ebola sa bansa nitong Sabado.

Ayon sa datos ng gobyerno, kabilang dito ang 86 na naitalang pagkamatay.

Patuloy ang monitoring at pagtugon ng mga awtoridad upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.