CTTO

TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng Employees’ Compensation Commission (ECC)-Region 02 ang mga manggagawang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) na mag-file ng cash assistance form para makakuha ng tulong pinansyal na ibinibigay ng nasabing tanggapan.

Ayon kay Remy Andrada ng ECC-Region 2, makakatanggap ng P10,000 ang manggagawang positibo sa virus habang ginagampanan ang tungkulin at P15,000 naman ang mga manggagawang namatay dahil sa covid-19 pandemic.

Aniya , para sa mga nagpositibo sa virus , kailangan lamang magfill-up ng cash assistance form, dalawang photocopy ng valid I.D, certificate of employment kasama kung kailan ang huling araw na pumasok sa trabaho, medical abstract, medical evaluation at ang resulta ng laboratory test.

Maaari ring I-reimburse ang nagamit na pera sa pagpapagamot na hindi na sakop ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) bukod pa sa P480 na matatanggap kada araw bilang pension mula ng hindi pumasok sa trabaho.

Kailangan namang magpakita ng dawalang photocopy ng valid I.D ang isang claimant ng mga namatay na manggagawa dahil sa covid-19 , kasama ang cash assistance form , valid I.D ng namatay , certificate of employment , medical abstract ,laboratory test at death certificate ng pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Kapag ito ay kasal, kailangan magpakita ng marriage certificate , birth certificate ng mga menor-de-edad na anak ngunit kung ito ay single o walang asawa, magdala lamang ng dalawang valid I.D ng mga claimant at affidavit of guardianship kung ito lang ang available.

Sinabi ni Andrada na bukod sa cash assistance na ibinibigay sa pamilyang namatay ay magbibigay pa ng death benefit na nagkakahalaga ng P30,000 ang kanilang tanggapan para sa pamilya ng namatay.

Tinig ni Remy Andrada

Samantala, para naman sa mga PUI o Person Under Investigation o mga suspect case, maaring mag-apply ng claim ng sickness benefits sa SSS kung mula sa private sektor at kung sa government naman ay sa GSIS.

Kung sakali na ito’y maaprubahan ng mga nasabing tanggapan ay ipapasa ito sa ECC kasama ang mga requirement tulad certificate of employment na may kasamang actual responsibilities maging kung kailan natigil ang kanyang duty , medical report at ang voucher na nagpapakitang aprubado ang claim of sickness para mapabilang sa mabibigyan ng cash assistance kung saan maaari rin makatanggap ng P10,000

Sa ngayon, dalawang doktor, isang medical technologist at isang nurse na pawang mula sa Santiago City na positibo sa virus ang nag-apply pa lamang sa kanilang tanggapan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Andrada na sapat ang pondo ng ECC para sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa lahat ng mga benipisaryo at sinisiguro ang privacy ng mga pasyente.

Nabatid na kasama rin sa naturang tulong pinansyal ang mga uniformed personnel na isa sa mga pangunahing rumeresponde at nakatutok sa paglaban sa Covid-19 pandemic.

Tinig Remy Andrada