Tuguegarao City- Nagbabala ang ecowaste coalition sa mga nagbebenta ng toxic toys kasabay ng pagpasok ng ber months.

Sa panayam kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng Eco-waste Coalition, aasahan ngayong ber months ang mga negosyanteng magbebenta ng laruan para panregalo.

Kaugnay nito ay sinumulan na ng nasabing grupo ang kanilang monitoring sa iba’t ibang pamilihan kasama na ang online.

Paliwanag nito ay dapat na nasusunod ng mga negosyante ang regulasyon ng bansa partikular ang pagkakaroon ng product label na may patunay na dumaan ito sa pagsusuri ng FDA.

Nanawagan pa ang nasabing grupo sa mga LGUs na imonitor ang pagpasok ng mga toxic toys sa kanilang mga lugar upang makaiwas sa anumang sakit ang mga bata lalo na ngayong pandemya.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala si Dizon na ipasasara ang mga establishimentong mahuhuling nagbebenta ng mga toxic toys.

Bahagi pa nito ang pakikipag-ugnayan nila sa DTI upang masigurong walang makakapuslit na mga toxic toys sa merkado.

Umapela si Dizon sa mga magulang na maging mapanuri sa mga binibiling laruan ng mga anak upang maiwasan ang anumang insidente.