TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Ecowaste Coalition sa mga kandidato na makiisa sa hangarin na mabawasan ang mga basura at pangangalaga sa ating kapaligiran sa kanilang pangangampanya.
Sinabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste na kapansin-pansin na sa panahong pangangampanya ay dumodoble ang mga basura dahil sa mga campaign paraphernalia.
Ayon sa kanya, dapat na limitahan ng mga kandidato ang kanilang mga campaign materials at gumamit ng recyclable materials.