TUGUEGARAO CITY-Nagbabala ang Ecowaste Coalition laban sa mga mapanganib na mga laruan na ibinebenta sa mga bangketa.

Sinabi ni Tony Dizon,chemical safety campaigner ng Ecowaste na nakita at nakabili siya ng mga nasabing laruan tulad na lamang ng balisong sa kanilang ginawang pag-ikot sa mga palengke sa Maynila.

Ayon sa kanya,madali lang na makabili ng mga nasabing laruan dahil sa mura ang mga ito.

Ayon sa kanya,maaari kasing makapanakit ang mga nasabing laruan dahil sa matutulis na dulo nito.

ang tinig ni Dizon

Dahil dito, pinayuhan ni Dizon ang mga magulang na bantayan ang mga binibiling laruan ng kanilang mga anak.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi din niya na maaaring i-report ng mga magulang sa mga kinauukulan kung may makita silang mga nagbebenta ng mga alam nilang delikadong mga laruan.

Idinagdag pa niya na pinakamainam na huwag na lamang tangkilikin ang mga katulad na laruan para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Bukod dito, sinabi niya na suriin din ang mga laruan upang matiyak na wala itong lead na masama sa kalusugan.