Sinuspindi ng Ecuador ang visa waiver agreement sa China.
Tinukoy ng Ecuador ang mga ebidensiya ng irregular migration ng Chinese citizens sa pamamagitan ng maliit na South American country.
Batay sa inilabas na pahayag ng Ecuadorian Foreign Ministry na halos kalahati ng mga Chinese citizens na pumasok sa bansa sa nakalipas na mga buwan ay hindi umalis sa “regular routes” o sa loob ng 90 days na dapat na manatili sila sa bansa.
Idinagdag ng ministry na maaaring ang mga ito ay nananatili sa kanilang bansa o sila ay nasa “irregular migration situation o umalis sa pamamagitan ng irregular routes.
Itinuturing ang South American nation na starting point sa isang mahabang paglalakbay sa lupa na tinitiis ng mga Chinese migrants para makarating sa US.
Noong 2023, 48, 381 entries ng Chinese nationals at nasa 24, 240 exits ang naidokumento ng Ecuador, na ito ang pinakamataas na bilang ng nationality, ayon sa data mula sa national statistics institute.
Sinabi ni Ecuador na itinataguyod nila ang seguridad ng mga bisita upang maiwasan na sila ay maging biktima ng human trafficking at upang matiyak ang sapat na national immigration control.