Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa mga bagong halal na opisyal na gawing pangunahing prayoridad ang edukasyon sa kanilang panunungkulan.

Sa talumpating ipinahayag ni Undersecretary Ron Mendoza sa isang pambansang forum sa edukasyon, binigyang-diin ni Angara na dapat ay nakabatay sa datos at katotohanan ang mga programang pang-edukasyon upang maging epektibo at makabuluhan para sa mga mag-aaral.

Aniya, sama-sama nating ayusin ang mga paaralan, suportahan ang mga guro, at bigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan.

Pinuri rin ni Angara ang higit 600,000 guro at kawani ng Department of Education (DepEd) na nagsilbing mga “frontliner ng demokrasya” noong halalan.

Aniya, dahil sa kanilang propesyonalismo at dedikasyon, naging maayos at mapayapa ang botohan sa libu-libong paaralan sa buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --