Suportado ng mga lokal na pamahalaan at iba pang linyang ahensiya ng gobyerno ang inilunsad na eGovPH at eLGU system ng Department of Information and Communication Technology o DICT Region 2 dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Sinabi ni Atty. Maria Rosario Villaflor, provincial administrator ng pamahalaang panlalawigan ng cagayan na sinusuportahan ng kapitolyo ang digital transformation kung saan sa pamamagitan nito ay mapapahusay ang kaginhawahan, mabawasan ang mga gastos at mapigilan ang katiwalian.

Nitong araw ng lunes ay opisyal na inilunsad ng dict region 2 ang eGov PH Super App at ang eLGU System sa Lalawigan ng Cagayan kung saan isa itong mahalagang hakbang sa digital transformation na itinutulak ng pamahalaan.

Binigyang diin ni regional director pinky jimenez ng dict sa lambak cagayan ang app at system ay naglalayong i-streamline ang mga serbisyo ng gobyerno, pahusayin ang transparency, at pagbutihin ang pampublikong access sa mga mahahalagang transaksyon.

Kabilang sa mga services na nakapaloob sa egov ph app na binuo ng dict ang eGOV Pay, pagpoproseso ng business permit, access ng government ID, eTravel para sa gabay sa turismo, at eJobs para sa mga oportunidad sa trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtatampok din ito ng eGOV Cloud, na idinisenyo upang pahusayin ang accessibility ng mga data services.

Naglalayon din ang hakbang na ito na mapunan ang gaps ng paghahatid ng serbisyo ng gobyerno.

Tiniyak naman ng DICT sa publiko na ipinatutupad ang matibay na cybersecurity measures para pangalagaan ang data ng user.

Dinaluhan din ng ibat ibang sangay ng pamahalaan ang paglulunsad sa naturang programa.