Muling pinatunayan ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang kaniyang kahusayan matapos angkinin ang gintong medalya sa men’s pole vault event ng 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Nagtala si Obiena ng bagong kampeonato record sa Mizuho Park Athletic Stadium nang malampasan nito ang taas na 5.91 meters.

Dahil dito, matagumpay niyang naungusan ang dalawang kinatawan ng China na sina Yao Jie at Li Chenyang upang maihatid ang ikatlong gintong medalya para sa Pilipinas sa kasalukuyang torneo.