Apektado na umano ang ekonomiya ng Hongkong sa nagpapatuloy na kilos protesta ng mga mamamayan doon.

Sinabi Janice Garvin, isang OFW sa Hongkong na tubong Rizal, Kalinga, humina na ang bentahan sa mga retail outlet sa central part ng Hongkong.

Ayon kay Garvin na natatakot ang mga turista dahil sa kabi-kabilang protesta sa lugar bunsod ng tinututulang extradition bill.

Dagdag pa niya na umatras din ang isang investor na maglalagak sana ng 4 billion dollars na halaga ng negosyo sa hongkong kung saan inilipat ng kumpanya ang balak na ipatayong negosyo sa Singapore.