Tuluyan nang nagtapos ang pag-iral sa bansa ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Administrator Nathaniel Servando ng Pagasa-DOST, ganap nang humina ang epekto nito sa mga nakalipas na linggo.

Una nang natukoy ang “weak El Niño” noong buwan ng Mayo, kung saan nagpatuloy ang pagbaba ng impact nito hanggang ngayong buwan.

Gayunman, makakaranas pa rin ang bansa ng mainit na temperatura o mataas na heat index.

Pero maglalabas na umano sila ng La Niña watch para matutukan ang posibleng idulot ng isa pang weather phenomenon.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ang pag-iral nito sa huling bahagi ng 2024 at tatagal hanggang sa 2025.