Unti-unti nang naibababa sa Barangay level ang Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), kasunod ng pag-organisa nito sa Regional at Provincial level.
Ayon kay Maj Gen Pablo Lorenzo, commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na patuloy ang pag-oorganisa ng mga komite kaugnay sa Community Suypport Program na pagbubutihin ng mga munisipalidad sa mga Barangay.
Kabilang na rito ang maayos na pagpa-plano at malaman ang pangangailangan ng bawat Barangay.
Sinabi ni Lorenzo na may direksyon na ang paglaban ng pamahalaan sa insurhensiya sa rehiyon dos dahil sa ipinapakitang political will ng mga lider.
Pinuri rin ni Lorenzo ang mga ginagawang hakbang ng bawat Batallion sa lambak Cagayan upang mawakasan ang insurhensiya o impluwensiya ng makakaliwang grupo.