TUGUEGARAO CITY – Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa ibat ibang posisyon na sumunod sa itinatakda ng komisyon kasabay ng pagsisimula ng election period sa mga lokal na kandidato ngayong araw.

Kasabay nito, sinabi ni Atty Boris Banawag, legal councel ng COMELEC RO2 na maaari nang magkabit ng kanilang mga campaign materials ang mga kandidato sa local posts ngayong Biyernes na magtatagal hanggang May 11.

Gayonnman, hindi aniya ito dapat lumagpas sa sukat na 2 by 3ft.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Comelec ang paglalagay ng mga campaign materials tulad na lamang ng mga tarpaulins at posters

Base sa ipinapatupad na patakaran at alituntunin ng Comelec, P3 lamang ang pwedeng gastusin ng kahit sino mang lokal na kandidato na tumatakbo sa ilalim ng isang partido sa bawat botante.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala para naman sa mga lokal na kandidato na tumatakbo bilang independent ay maari silang gumastos hanggang sa P5.

Habang sa broadcast election propaganda ay pinapayagan ang isang local na kandidato na makapagpalabas ng 60 minuto na TV commercials habang 90 minuto naman sa radyo.

Inoobliga rin ng COMELEC ang lahat ng nga kandidato na irehistro sa Education and Information Division ng komisyon ang kanilang mga opisyal blog at social media pages.

Tinig ni Atty Boris Banawag, legal councel ng COMELEC RO2

Samantala, tanging ang bayan ng Jones sa Isabela sa region 2 ang idineklarang red election hot spot sa May 13 polls dahil sa seryosong banta ng ilang armadong grupo noong mga nakaraang halalan.

Nasa Category Yellow naman ang lungsod ng Tuguegarao at Enrile dahil sa kasaysayan ng election related violence o may matinding partisan political rivalry.


Tinig ni Atty Boris Banawag, legal councel ng COMELEC RO2