Nakakaalarma na ang mga nangyayaring election related violence sangkot ang public officials at mga political candidates sa gitna ng implementasyon ng gun ban.

Ginawa ng Commission on Human Rights (CHR) ang nasabing pahayag kasunod ng pananambang sa 25-year-old barangay captain na si Binhar Julambre Alon Jawad ng Brgy. Baraas, Lanao del Sur na binaril-patay ng hindi pa nakikilalang gunman habang papunta siya sa isang graduation ceremony nitong nakalipas na linggo.

Bukod sa pagpatay kay Jawad, binaril din ay tinamaan sa kanyang dibdib si confessed drug lord at Albuera, Leyte mayoral candidate Kerwin Espinosa sa isang campaign rally noong April 10.

Nakaligtas naman sa nasabing pamamaril si Espinosa.

Binigyang-diin ng CHR na ang mga nasabing karahasan ay paalala na kailangan ng agarang mga hakbang upang itaguyod ang kapayapaan, bantayan ang karapatang pantao, at tiyakin ang proteksion ng political participation, lalo na si Bangsamoro Region.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, hinikayat ng CHR ang lahat ng sektor na magtulungan para sa pagtiyak na bawat mamamayan ay ligtas na makikibahagi sa public affairs na malaya at walang takot.

Kahapon, nasugatan si Muhammad Utti Omar, tumatakbo na board member sa 1st District ng Maguindanao del Sur at ang kanyang driver nang pagbabarilin sila ng mga nakikilalang gunmen sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang.