Ibinebenta na sa Japan ang bettery-operated spoon na nagpapaalat sa pagkain.

Ang nasabing kutsara na gawa sa plastic at metal ay may para sa mga tao na nagsisikap na mabawasan ang asin sa kanilang mga pagkain.

Ang sobrang sodium intake ay iniuugnay sa pagtaas ng kaso ng high blood pressure, strokes at iba pang kundisyon.

Sa Japan, ang kinokonsumo ng adults ay 10g ng asin sa isang araw, doble sa rekomendasyon ng World Health Organization.

Madalas na sinasabi ng mga tao na nagsisikap na limitahan ang asin sa kanilang mga pagkain na wala nang lasa ang kanilang kinakain.

-- ADVERTISEMENT --

Kaya inimbento ang nasabing kutsara para maging malasa ang pagkain kahit walang inilalagay na asin.

Ang kutsara ay may bigat na 60g at pinapagana ng rechargeable lithium battery.