Hinatulan na makulong ng dalawang taon at anim na buwan ang isang Indian national dahil sa hindi otorisadong pagbukas nito ng computer material na nagbunsod sa pagkakabura ng 180 virtual servers bilang ganti sa pagtanggal sa kanya sa trabaho ng kumpanyang NCS sa Singapore.
Nagkakahalaga ang nasabing servers ng halos SGD 918,000.
Si Kandula Nagaraju, 39 years old, dating empleyado ng NCS, isang prominenteng information communication and technology services provider ay napatunayang guilty sa pagsasagawa ng cyber-attack sa quality assuran (QA) system ng kumpanya kasunod ng pagtanggal sa kanya sa trabaho.
Kabilang si Nagaraju sa 20-member team na nangangasiwa sa sa QA system ng kumpanya na ginagamit para sa pagsubok sa bagong software at programs.
Bagamat wala namang laman na sensitobong impormasyon ang sistema, nagkaroon ito ng epekto sa operational at financial ng kumpanya.
Sa kabila ng paniniwala ni Nagaraju na nagbigay siya ng magandang kontribusyon sa kumpanya, tinanggal siya noong October 2022 dahil sa poor performance.