TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng PNP kung sino ang driver ng isang pulang kotse na nakabunggo sa isang engineer sa Lallo,Cagayan.

Sinabi ni Police Staff Sgt.Vemar Paliwanan ng PNP Lallo na ito ay matapos na makuha ng mga saksi sa insidente ang plate no. ng kotse na THR 837.

Ayon kay Paliwanan, sa kanilang imbestigasyon,natumba umano ang motorsiklo ng biktima na si Arnel Bandonil,24, at napunta siya sa kabilang linya ng kalsada nang mabunggo siya ng isang kotse.

Nagtamo ng sugat sa ulo at nabale ang ibang bahagi ng katawan ng biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na pauwi na ang biktima sa kanilang lugar sa Gattaran mula sa bayan ng Gonzaga nang mangyari ang aksidente sa Lallo.

-- ADVERTISEMENT --