Hindi na bago sa bansa ang pagpapatupad ng English-only policy sa mga paaralan, subalit nananatili itong alalahanin na kailangan na tugunan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Filipino language, ayon sa Sentro ng Wikang Filipino – University of the Philippines Diliman (SWF-UPD).

Tugon ito sa anunsiyo ng Pamantasan ng Cabuyao sa kanilang English-only policy na nakapukaw sa atensiyon ng marami matapos na i-post ito sa social media.

Ayon kay SWF-UPD Director Jayson Petras, kahit walang isinulat na mga palisiya, maraming eskwelahan sa bansa ang nagpapatupad ng English-only policies.

Ipinaliwanag ni Petras, isang Filipino professor sa UPD, ang palisiya ay nag-ugat sa systematic issues, kabilang ang paniniwala na superior ang English dahil sa ginagamit ito sa iba’t ibang sector, lalo na sa edukasyon at government institutions.

Ipinunto niya na ang nasabing pag-iisip ay makikita sa ilang educational policies, tulad na lamang ng pagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang pangunahing asignatura sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 13, kung saan tinukoy ang pagkakaroon ng iba pang asignatura na itinuturo na sa senior high school.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ni Petras na ang hamon ay ang pagpapaintindi sa publiko na ang Filipino ay mahalaga din tulad ng English o alinmang lenguahe.