
Nakakulong na sa Pasay City Jail si dating Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Inilipat kagabi si Hernandez sa nasabing kulungan mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Na-cite for contempt si Hernandez at ikinulong dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate blue Ribbon Committee tungkol sa mga kuwestionableng flood control projects.
Kaugnay nito, sinabi ng abogado ni Hernandez na si Atty. Ernest Levanza na kadududa ang motibo at tila paghihiganti ang ginawa ng Senado na paglilipat sa kanyang kliyente sa Pasay City Jail.
Una rito, inaprobahan ng Senado ang resolusyon na paglilipat kay Hernandez sa Pasay City Jail matapos na kuwestionin ng minority bloc ang pagkakakulong nito sa PNP Custodial Center noong gabi ng Martes.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committe sa mga umano’y maanomalyang flood control projects, kung saan isa si Hernandez na iniimbestigahan ang kanyang pagkakasangkot sa nasabing usapin.