TUGUEGARAO CITY-Ipinag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pag-relocate sa mga residente na naninirahan sa mga delikadong lugar.

Ayon kay Cimatu, kailangan mailikas sa ligtas na lugar ang mga nakatira sa mga landslide prone areas.

Pangunahing pinatututukan ng kalihim ang mga nakatira sa bisinidad ng gumuhong minahan sa Brgy. Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.

Matatandaan na sampu ang naiulat na namatay matapos na matabunan sa naganap na landslide malapit sa mining site sa nasabing lugar sa kasagsagan ng pag-ulan dahil kay bagyong Ulysses.

Ayon kay Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya, nasa 200 pamilya ang naninirahan malapit sa minahan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, inatasan ni Sec. Cimatu ang Mines and Geosciences Bureau o MGB Region 2 na makipag-ugnayan sa mga local chief executives para mailipat sa ligtas na lugar ang mga nasa hazardous area kasama na ang mga naninirahan malapit sa ilog.

Tinig ni Sec Roy Cimatu

Si Secretary Cimatu ay bumisita dito sa lungsod ng Tuguegarao kung saan nakipagpulong siya sa mga gobernador sa rehiyon dos at mga alkalde dito sa lalawigan ng Cagayan.

Ang kalihim ang siyang chairman ng binuong Build Back Better Task Force na tututok sa rehabilitasyon ng nasalanta ng pagbaha. with reports from Bombo Marvin CAngcang