TUGUEGARAO CITY-Naglabas ng executive order number 27 series of 2020 si Cagayan Governor Manuel Mamba kung saan kanyang inaatasan ang mga government employees kabilang na ang mga job orders na magsagawa ng dalawang araw na linis days o “komunidad ko linis ko”sa buong probinsya.
Ito ay kasunod ng naranasang malawakang pagbaha sa lalawigan kasabay ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.
Ayon kay Rogelio Sending, Cagayan Information Officer, magsisimula ang nasabing deriktiba ngayong araw, Nobyembre 16, 2020 hanggang bukas.
Ibig sabihin, lahat ng mga government employees maliban sa mga nasa emergency at disaster response ay nakawork from home para maisagawa ang paglilinis sa komunidad.
Aniya, kailangang magtulungan ang bawat mamamayan para sa mabilis na pagbangon ng lalawigan matapos ang kalamidad na naranasan.
Kaugnay nito, hinimok ni Gov. Mamba ang mga pribadong sektor na tularan ang nasabing hakbang para mas mapadali ang paglilinis sa bawat kominidad.
Samantala, nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado bilang pag-iingat sa mga ma-aaral sa anumang sakuna.