Tuguegarao City- Unti-unti ng humuhupa ang epekto ng African Swine Fever (ASF) sa 2nd wave nito sa Lambak ng Cagayan.
Ayon kay Narciso Edillo, Director ng DA Region 2, mag-iisang buwan na umanong walang naitatalang kaso ng sakit ng mga baboy sa Cagayan at Quirino.
Kaugnay nito ay tatlong linggo na ring walang naitalang kaso ng virus sa lalawigan ng Isabela.
Sinabi niya na bagamat gumaganda ang sitwasyon ng ASF sa rehiyon ay minomonitor pa rin ang probinsya ng Nueva Vizcaya na nakapagtala ng kaso noong nakaraang linggo sa bayan ng Diadi kung saan tatlong barangay ang apektado.
Nasa 16,000 na baboy umano ang isinailalim sa culling operation ngayong 2nd wave ng ASF.
Sa datos ng kagawaran ay numabot 38 munisipalidad sa lambak ng Cagayan ang naapektohan ng ASF, 28 rito ang mula sa Isabela, 7 sa Cagayan dalawa sa Quirino at Isa sa Nueva Vizcaya.
Puspusan din ang pakikipag-ugnayan ng DA Region 2 sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service para sa pagpapatupad ng panuntunan upang mawakasan ang pagdami ng kaso ng ASF.