Tuguegarao City- Pinaghahandaan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Electric Cooperatives ang posibleng epekto ng summer season sa supply ng kuryente.

Ito ay kasabay ng pagtiyak ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng rotational brownout sa pagpasok ng tag-init.

Ayon kay Engr. Tito Lingan, General Manager ng CAGELCO 1 na nakatakdang magkaroon ng pagpupulong ang cooperatiba katuwang ang NGCP.

Dito ay talakayin ang mga ipatutupad na hakbang para maibsan ang epekto ng tag-init sa supply ng kuryente.

Tatalakayi din aniya ang plano upang pagaganahin ang generator sets ng mga malalaking malls upang maiwasan ang low dropping ng kuryente sa mga kabahayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, unang inihayag ng DOE na sa kanilang projection ay hindi magkakaroon ng red alert bunsod ng pagnipis sa sulpay ng kurynte pagpasok ng Abril hanggang Hunyo.

Giit nila na posibleng lamang ang pagkakaroon ng brownout sakaling magkaproblema sa mga planta ng kuryente.