Ramdam na rin ng ilang tourism-related businesses sa lalawigan ng Kalinga ang epekto ng ipinatutupad na temporary tourism activity ban dahil sa COVID-19 scare.
Ayon kay Loraine Ngao-i, provincial tourism officer na karamihan sa mga apektado ang kabuhayan ay ang mga informal workers na naka-depende sa day to day tourism activities gaya ng home stay, tourist guiding, pagbebenta ng mga souvenir items at marami pang iba.
Isa na rito ang bayan ng Tinglayan kung saan matatagpuan ang sikat na legendary tattooist na si Apo Whang Od.
Bukod dito, pansamantalang ipinagbawal rin ang mga gawain may kinalaman sa turismo sa bayan ng Balbalan at Pasil para sa seguridad ng kalusugan ng mga residente.
Gayunman, ilang tourist destinations sa lalawigan ang pinapayagan pa rin ang mga bakasyunista gaya ng Awichon village sa Lubuagan, Talama park at Tangkib Eco-village sa lungsod ng Tabuk.
Ayon sa DOT-Cordillera, pangatlo ang lalawigan ng Kalinga sa rehiyong cordillera sa mga pangunahing pinapasyalan ng mga turista.