Tuguegarao City- Bumaba sa moderate ang epidemic risk classification ng region 2 sa COVID-19 mula sa

dating high risk classification.

Sa panayam kay Pauline Atal, Information Officer ng DOH Region 2, ang pagbaba ng epidemic risk ay

bunsod na rin ng maigting na pagpapatupad ng iba’t ibang stratehiya upang mapababa ang kaso ng virus

sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi aniya nito ang magandang implementasyon ng mga health and safety protocol, prevension,

detection, isolation, treatment at implication strategy kasama ang paglalatag ng biosurveillance

effort, clustering at iba pa, sa mga lugar na mataas ang kaso ng transmission.

Ang nasabing datos ay nakabatay din sa two weeks moving average monitoring ng ahensya nitong unang

dalawang linggo ng Hunyo.

Sa datos ng ahensya, umabot lamang sa mahigit 3,900 ang total number ng mga natukoy na positibo sa

virus sa rehiyon na mas mababa kumpara sa mahigit 5000 cases sa mga nakalipas na buwan.

Gayonman, kabilang sa mga binabantayan ngayon ng ahensya ay ang mga lugar na may mataas na community

transmission partikular sa bayan ng Solano, Tuguegarao City, Aparri at Baggao sa Cagayan; Ilagan City,

Cauayan City, Santiago City, Tumauini, Cabagan sa probinsya ng Isabela at Maddela, Quirino.

naitala naman ang mataas na daily attack average rate sa Tuguegarao City na 426.5 habang sa buong

probinsya ng Cagayan ay 123.4, sa Batanes ay 6.1, Isabela na 138.6, Cauayan City 163.5, Ilagan City

143.7, Santiago City: 301.4, Nueva Vizcaya: 111.6 at sa Quirino ay 128.8.